Bituing Walang Ningning
A Star is Born
Friends 
6th-Jan-2010 02:24 am - Relentless plug
i'm now flickr and tumblr obsessed. but I still like the letter E


Flickr

Tumblr

and of course, DeviantArt
4th-Jan-2010 02:22 pm(no subject)
masyadong maaga ako dumating sa office ngayong araw. as in mga 145 ako dumating. eh 3 pm ang oras ko ngayon araw. haha

hindi ko alam kung isa-isa kong irereply yung mga pagbati sa facebook o isang bagsakan na lang. ang alam ko lang mamayang 1130 na lang ako magrereply kung kailan halos okay na lahat hahaha.

at kahit papaano nakakasurvive naman ako sa araw na ito. yun naman talaga ang gawain ko kada taon sa araw na ito eh. basta makaraos, okay na.... hayyyy
2nd-Jan-2010 09:16 pm(no subject)

Uhm, hindi naman sa isa akong fan, pero nagbabasa rin naman ako (kahit papaano) ng mga graphic novel. Sa katunayan, katatapos ko lang magbasa ng mouse guard winter 1152. At napakagandang basa/tingin/intindi sa graphic novel na ito.

 


Read more... )At dahil nalungkot ako sa mga pangyayari...hihintayin ko ang paglabas ng mga susunod na Mouse Guard. So sa listahan ko, ang pagkakaalam ko kailangan ko hintayin ang...
1. Mouse Guard: Black Axe
2. Mouse Guard: The Weasel War
3. Mouse Guard: Legends of the Guard
4. Yung susunod sa Winter 1152, wala pa talaga akong nababasang balita eh (di pa ko talaga nagreresearch doon hehe) :p
31st-Dec-2009 06:22 pm(no subject)
Katatapos ko lang linisin ang kwarto ko. Hindi ko alam kung ginagawa ko ang paglinis ng kwarto ko kada ika-31 ng disyembre, kung kagawain ko ito. Ang alam ko lang, naglinis ako ngayong araw.

Mahirap linisin ang kwarto ko, para sa akin. Katamtaman lang ang laki nito para sa akin, pero sobrang raming kalat at gamit na mahahanap sa kung saan-saan. Kaya nagtatagal rin ako maglinis kahit papaano. At may vacuum cleaner na ko niyan ha. :p

Pero sa mismong paglinis na ito, i mean sa instance na ito, gumaan ang pakiramdam ko. Parang kahit papaano pansamantalang nawala ang mga bagay-bagay na aking kinikimkim, ang mga sama ng loob ko sa magtatapos na taon. Pero hindi ito mawawala sa susunod na taon. Hanggat hindi ko ito nareresolbahan, hindi matatapos ang mga hinagpis ko. Pero okay lang yon. Dalawa ang ibig sabihin niyon: (1) tao ako at nakakaramdam, at (2) hindi pa ako handa na harapin ang mga ito.

Pero sige na, isangtabi muna natin ang mga iyon. Tapos na ang 2009, na kung saan namulat nanaman ang aking mundo sa katotonahan ng buhay. Eto na ang 2010, na kung saan may pagkakataon ako na ipagpatuloy ang aking paglalakbay patungo sa paghangad ng aking mga pangarap. :)

Mas katanggap-tanggap ang pagcelebrate ng bagong taon sa akin kaysa sa paggunita ng pasko o ng kaarawan ko. Kaya mas kumpante ako sa bagong taon. Sana, sa 2010, ikaw rin, kaibigan, maipagpatuloy mo ang iyong mga gawain patungo sa mga pangarap mo. At pag nangyari iyon, ikatutuwa ko yon para sayo :)
31st-Dec-2009 10:17 am(no subject)
Hello, hello. Been a while since I posted, but Belated Merry Christmas, all. I've been up and about and had gone on two out of town trips since I last posted, one up in the mountains in Baguio, and the other to the beach over in Nasugbu, Batangas. Both were really nice.

But anyway. It's been a whole year now, hasn't it? Wow.

I went back and found that Time Capsule Meme from last year and I don't think I've changed that much, but I've met so many wonderful people this year and experienced a lot and.

I guess I just want to say thank you to everyone who's been along for the ride.

And since it's the last day of the year, I suppose I should get around to doing this.

Write a message you'd like to leave yourself, and your friends will also comment with messages they'd like to leave you. These messages could be absolutely anything, not necessarily just compliments or whatever. Then on January 1st, this post will be locked so nobody can look at it or read the comments.

In December of 2010, the post will be unlocked, and you can look at how much you've changed, etc. It will be an interesting look at how you were just a year ago. A lot can happen in a year, after all.


a lot can indeed. )

I was supposed to place a short video thingy here, but my digicam ran out of battery so it'll have to wait. XD

I love you guys. Just thought I'd let you know.

Happy holidays! ♥

[eta] Things to do this year:
→ go to the dentist + eye doctor for check ups
→ get a hair cut
→ clean my room
30th-Dec-2009 12:16 am - awwww shit
I just BAAAAAAWWW'D over my onee-san's journal entry

http://helinox.livejournal.com/612.html?mode=reply



._.














I have no potential to express through fancy words, but I love you, Ate. <3
28th-Dec-2009 12:44 am(no subject)
nung sabado hirap na ko makatulog. ngayon, di ako makatulog :|

parang...hindi, meron talagang plema na nakabara sa aking lalamunan at naiirita ang aking katawan. ilang beses ko man ito subukan mawala sa katawan sa pamamagitan ng pagbahing, makapit talaga siya. tama ba na uminom ako ng solmux? mucolytic naman yon diba?

sigurado masama nanaman ang pasok ko mamaya. pagtitripan nanaman ako ni eugene (hi eugene hahaha) at aasarin na may problema nanaman akong kinikimkim. haaaaaaayyyyyy buhay.

lintik kang plema, bakit ayaw mong umalis??? x_x

p.s. nakabili na nga pala ako ng man scarf kanina. sa zara. pero wow nabigla naman ako sa presyo. :| pero okay lang man scarf yon. matagal na rin ako naghahanap ng man scarf na matino. kailangan ko na lang matuto ng mga paraan kung paano isuot ito. nakakailang knot na rin ang alam ko hehehe
This page was loaded Jan 6th 2010, 12:02 am GMT.